Bakit Ba Tayo Nanghuhusga?



   
        Bakit ang daming tao na kailangang manghusga sa iba? Bakit ba tayo nanghuhusga at kinukumpara ang ating sarili sa iba? Nagtataka ako, bilang mga tao, ay nakakaramdam tayo ng pangangailangan na humusga at pababain ang isang tao. Kaya, bakit ba tayo nanghuhusga?

          Minsan tayo ay nanghuhusga sa ibang tao dahil sa kanilang anyo. Bumubuo kasi tayo ng paniniwala batay sa ating nakikita sa Social Media at mga pelikula na nag-iimpluwensya sa ating opinyon. Iniimpluwensiyahan tayo na ang mga masasamang tao, halimbawa, ang mga kontrabida ay may tiyak na katangian at ito ay nagdudulot sa mga tao na gumawa ng stereotype na kung saan ang mga magaganda ay mabubuti at mapapagkatiwalaan. Ngunit, minsan kapag ang isang tao ay nasobrahan sa pagaalaga sa kanilang kagandahan ay sinusumbat natin sila bilang peke o mababaw.

              Ang isa sa pinakamahalagang paghatol na ginagawa natin tungkol sa iba ay binabase natin sa kanilang moral. Tayo minsan ay sumasabaybay sa mga mahirap na paghuhusga sa moral ng iba at maaari itong hawakan ng mas mahaba kaysa sa kinakailangan. Ang kasabihang mas madaling mawalan ng tiwala kaysa makuha ay totoo. Halimbawa dito ay, ang isang tao ay maaaring magkaroon ng isang masamang reputasyon sa maraming taon kahit na marami silang nagawa upang subukang iwasto ang sitwasyon.

       Isa rin halimbawa kung bakit tayo nanghuhusga ay dahil binabatay natin sila sa ating pamantayan. Halimbawa nito ay kung sinusukat natin ang ating buhay sa paglalakbay, susukatin rin nating ang ibang tao sa parehong pamantayan. Kung mas gusto nilang manatili sa bahay at magsaya sa mga kaginhawaang nakagawiang, sa gayon ay huhusgahan natin sila bilang mga  walang alam, walang pakialam, kahit anu pa man ang kanilang mga adhikain.

          Tayo, bilang isang lipunan ay mapanghusga, dahil kulang tayo sa pagtanggap. Dapat tayong matuto na buksan ang ating puso at tanggapin ang mga tao dahi bawat taong makakatagpo natin may isang espesyal na ibibigay sa atin kung bukas tayo upang tanggapin ito. Dapat nating matutunan na tanggapin ang iba at subuking umangkop sa kanila, sa halip na baguhin ang mga ito dahil walang dalawang tao ang magkapareho. Tayo ay magkaka-iba at natatangi sa ating sariling paraan.
     


Comments

Popular posts from this blog

The Confession

Generosity and Self-preservation

The Essence of Family Day