CAT SURVIVAL CAMP 2020
CAT SURVIVAL CAMP 2020
Ang CAT Survival Camp 2020 ay ginanap noong Enero 11-12, 2020. Ito ay
isang aktibidad upang mapukaw ang kakayahan ng isang tao o grupo ng tao.
Ipapamalas dito ang kakayahang makipag-usap, umanawa, at kung paano mamuno sa
isang grupo. Ang gawaing ito ay isang pagpapahanda kung saan ang mga estudyante
ay sinusubok sa kanilang pisikal at emosyonal na lakas at ito rin ay upang
malaman ng mga estudyante na mahirap makipagsapalaran sa totoong buhay kung
ikaw ay nag-iisa.
Larawan ni Emmy Julve
Larawan ni Emmy Julve
Sa unang araw ng aming camping ay nagbigay ng
inspirasyonal na pagsasalita ang aming Commandant na si Commandant Ara at
kasunod naman niya ang laging sumusuporta sa kaniyang minamahal na estudyante,
ang aming punong-guro na si Niña Teresa Alilin. Ipinahayag niya na noong bata pa siya ay
mahilig raw siyang mag-camping at binigyan niya ng bagong kahulugan ang
"CAMP." Ang kahuluguhan ng letrang C ay Communicating Openly.
Ibig sabihin nito ay dapat raw tayong makipag-usap sa ating mga ka-miyembro
upang tayo ay magkakaintindihan at alam natin ang ating gagawin kapag tayo ay
magsasabi sa ating mga saloobin. Ang letrang A naman ay Achieving your
Goals. Pinapahiwatig dito na dapat alam natin ang ating layunin at ano ang mga
gusto nating makamtan. Ang mga layunin natin sa buhay ay panimula upang makita
natin ang dulo ng ating pagsisikp at bunga nito. Ang letrang M naman ay
nangangahuluguhan ng Moments to Cherish. Ang camping ay hindi lang
pagsubok kundi ito rin ay mga alalang ating idadala sa ating hinaharap.
Magbabaliktanaw tayo sa mga kalokohang ginawa natin. Mga alala kung papaano ayo
naghirap ngunit tumayong malakas at matatanaw natin ang mga ngiti kahit na tayo
ay pagod. Ang letrang P naman ay nangangahuluguhan ng Pay Attention. Dapat
nating tuunan ng pansin ang mga maliliit na detalye dahil kahit na gaano man
ito ka liit ay malaki naman ang epekto nito.
Larawan ni Emmy Julve
Larawan ni Emmy Julve
Pagkatapos ng inspirasyonal na talumpati ng
aming punong-guro, ipinatayo kami at kami ay nag-stretching upang ihanda ang
aming katawan sa gagawing laro kung saan ang isang platoon ay merong naaayon na
tunog ng isang hayop. Gamit ang mga blindfolds ay tinakpan namin ang aming mga
mata at pinaghihiwalay sa aming platoon. Pagkatapos naming mahanap at
makumpleto ang platoon namin ay maghahanap raw kami ng mga handkerchiefs na
naaayon sa kulay na nabunot at dappat rin daw makuha ang flag namin. Pagkatapos
ng laro ay nagsimula na kaming maghanda para sa aming tanghalian. Lahat ng
miyembro sa isang platoon ay may iisang gawain. Ako ay naatasan na magluto ng
kanin sa tanghalian. Ganito rin ang eksena sa hapunan at sa almusal ngunit iba
na ang aking gawain. Sa tanghalian ay nagkaroon kami ng food barter kung saan
kami ay nagpapalitan ng pagkain sa ibang platoon, sa hapunan naman ay kailangan
naming sundin ang pagbibilang ng commander upang makakain kami at sa almusal
naman ay bawal kaming mag-ingay kaya tahimik kaming kumakain doon.
Larawan ni Emmy Julve
Larawan ni Emmy Julve
Ang Day 1 ng camping ay puno ng pagsubok. Marami
kaming ginawa sa hapon at puno iyon ng mga mahihirap na laro. Ang mga laro ay
sumusukat sa tiwala at pagtutulungan sa mga manlalahok. May mga ibang laro na
kailangan mong gamitin ang iyong utak upang makagawa ng diskarte at ang iba
naman ay dumedepende sa pandama. Ang isa namang laro ay palakasan ng bituka
dahil ito ay nakasusuklam isipin ngunit ito ang tanyag at pinag-uuspan ng mga
kaklase ko. Ang iba nga ay wala ng ganang kumain ng hapunan dahil palagi nilang
naiisip ang larong ito.
Larawan ni Emmy Julve
Larawan ni Emmy Julve
Sa huli, ang Echo, ang platoon ko ay nakapatong
sa ikalawang pwesto. Ang camping ay hindi lang pagsubok, ito rin ay mga
memoryang ating dadalhin sa ating hinaharap. Ito ang magiging daan natin upang
tayo ay umanawa sa atong sitwasyon. Ang camping rin ang naging gabay upang
malutas ang mga problema at galit na kinikimkim sa ating puso. Ang camping ay
naging katulong namin upang i-hugis ang aming pagkatao at sinusubok nito ang
aming pisikal at emosyonal kalagayan namin. Ang CAT Survival Camp 2020 ay hindi
ko malilimutan at idadala ko ang mga aral na aking nakuha dita sa aking
kinabukasan.
Ang CAT Survival Camp 2020 ay ginanap noong Enero 11-12, 2020. Ito ay
isang aktibidad upang mapukaw ang kakayahan ng isang tao o grupo ng tao.
Ipapamalas dito ang kakayahang makipag-usap, umanawa, at kung paano mamuno sa
isang grupo. Ang gawaing ito ay isang pagpapahanda kung saan ang mga estudyante
ay sinusubok sa kanilang pisikal at emosyonal na lakas at ito rin ay upang
malaman ng mga estudyante na mahirap makipagsapalaran sa totoong buhay kung
ikaw ay nag-iisa.
Larawan ni Emmy Julve |
Larawan ni Emmy Julve |
Sa unang araw ng aming camping ay nagbigay ng
inspirasyonal na pagsasalita ang aming Commandant na si Commandant Ara at
kasunod naman niya ang laging sumusuporta sa kaniyang minamahal na estudyante,
ang aming punong-guro na si Niña Teresa Alilin. Ipinahayag niya na noong bata pa siya ay
mahilig raw siyang mag-camping at binigyan niya ng bagong kahulugan ang
"CAMP." Ang kahuluguhan ng letrang C ay Communicating Openly.
Ibig sabihin nito ay dapat raw tayong makipag-usap sa ating mga ka-miyembro
upang tayo ay magkakaintindihan at alam natin ang ating gagawin kapag tayo ay
magsasabi sa ating mga saloobin. Ang letrang A naman ay Achieving your
Goals. Pinapahiwatig dito na dapat alam natin ang ating layunin at ano ang mga
gusto nating makamtan. Ang mga layunin natin sa buhay ay panimula upang makita
natin ang dulo ng ating pagsisikp at bunga nito. Ang letrang M naman ay
nangangahuluguhan ng Moments to Cherish. Ang camping ay hindi lang
pagsubok kundi ito rin ay mga alalang ating idadala sa ating hinaharap.
Magbabaliktanaw tayo sa mga kalokohang ginawa natin. Mga alala kung papaano ayo
naghirap ngunit tumayong malakas at matatanaw natin ang mga ngiti kahit na tayo
ay pagod. Ang letrang P naman ay nangangahuluguhan ng Pay Attention. Dapat
nating tuunan ng pansin ang mga maliliit na detalye dahil kahit na gaano man
ito ka liit ay malaki naman ang epekto nito.
Larawan ni Emmy Julve |
Larawan ni Emmy Julve |
Pagkatapos ng inspirasyonal na talumpati ng
aming punong-guro, ipinatayo kami at kami ay nag-stretching upang ihanda ang
aming katawan sa gagawing laro kung saan ang isang platoon ay merong naaayon na
tunog ng isang hayop. Gamit ang mga blindfolds ay tinakpan namin ang aming mga
mata at pinaghihiwalay sa aming platoon. Pagkatapos naming mahanap at
makumpleto ang platoon namin ay maghahanap raw kami ng mga handkerchiefs na
naaayon sa kulay na nabunot at dappat rin daw makuha ang flag namin. Pagkatapos
ng laro ay nagsimula na kaming maghanda para sa aming tanghalian. Lahat ng
miyembro sa isang platoon ay may iisang gawain. Ako ay naatasan na magluto ng
kanin sa tanghalian. Ganito rin ang eksena sa hapunan at sa almusal ngunit iba
na ang aking gawain. Sa tanghalian ay nagkaroon kami ng food barter kung saan
kami ay nagpapalitan ng pagkain sa ibang platoon, sa hapunan naman ay kailangan
naming sundin ang pagbibilang ng commander upang makakain kami at sa almusal
naman ay bawal kaming mag-ingay kaya tahimik kaming kumakain doon.
Larawan ni Emmy Julve |
Larawan ni Emmy Julve |
Ang Day 1 ng camping ay puno ng pagsubok. Marami
kaming ginawa sa hapon at puno iyon ng mga mahihirap na laro. Ang mga laro ay
sumusukat sa tiwala at pagtutulungan sa mga manlalahok. May mga ibang laro na
kailangan mong gamitin ang iyong utak upang makagawa ng diskarte at ang iba
naman ay dumedepende sa pandama. Ang isa namang laro ay palakasan ng bituka
dahil ito ay nakasusuklam isipin ngunit ito ang tanyag at pinag-uuspan ng mga
kaklase ko. Ang iba nga ay wala ng ganang kumain ng hapunan dahil palagi nilang
naiisip ang larong ito.
Larawan ni Emmy Julve |
Larawan ni Emmy Julve |
Sa huli, ang Echo, ang platoon ko ay nakapatong
sa ikalawang pwesto. Ang camping ay hindi lang pagsubok, ito rin ay mga
memoryang ating dadalhin sa ating hinaharap. Ito ang magiging daan natin upang
tayo ay umanawa sa atong sitwasyon. Ang camping rin ang naging gabay upang
malutas ang mga problema at galit na kinikimkim sa ating puso. Ang camping ay
naging katulong namin upang i-hugis ang aming pagkatao at sinusubok nito ang
aming pisikal at emosyonal kalagayan namin. Ang CAT Survival Camp 2020 ay hindi
ko malilimutan at idadala ko ang mga aral na aking nakuha dita sa aking
kinabukasan.
Comments
Post a Comment