Bakit Ba Tayo Nanghuhusga?
Bakit ang daming tao na kailangang manghusga sa iba? Bakit ba tayo nanghuhusga at kinukumpara ang ating sarili sa iba? Nagtataka ako, bilang mga tao, ay nakakaramdam tayo ng pangangailangan na humusga at pababain ang isang tao. Kaya, bakit ba tayo nanghuhusga? Minsan tayo ay nanghuhusga sa ibang tao dahil sa kanilang anyo. Bumubuo kasi tayo ng paniniwala batay sa ating nakikita sa Social Media at mga pelikula na nag-iimpluwensya sa ating opinyon. Iniimpluwensiyahan tayo na ang mga masasamang tao, halimbawa, ang mga kontrabida ay may tiyak na katangian at ito ay nagdudulot sa mga tao na gumawa ng stereotype na kung saan ang mga magaganda ay mabubuti at mapapagkatiwalaan. Ngunit, minsan kapag ang isang tao ay nasobrahan sa pagaalaga sa kanilang kagandahan ay sinusumbat natin sila bilang peke o mababaw. Ang isa sa pinakamahalagang paghatol na ginagawa ...